Payakap ng saglit

Bago pumikit ang mata
Tinig mo ang naririnig
Umaasang sa muli ay
Mayakap ka ng saglit

Nais ko sanang magbasa ng iyong liham
Ngunit kahit isa’y wala kang pinadala
Nais ko sanang makita kung paano ang iyong pagsulat
Ngunit kahit isa’y walang maikumpara

Tatlong taon na simula ng mawala ka
Subalit ayaw ko pa ring ilagay sa ala ala

Ayaw ko pa ring tanggapin na nagkaroon
“Nagka”
Noon
Tapos wala ng “ngayon”

Minahal mo naman ako diba?
“Mina” hal
Dahil tapos na
Wala na
Wala ka

Payakap naman uli kahit saglit
Paramdam naman ng ikaw
Ikaw na inibig

Kahit isa na lang
Para manahimik
At mahinto ang kabig ng isip
Na baka
Mayroon pa
Bukas
Magising at magbalik ka na

Tatlong taon na akong naghihintay
Hanggang kailan pa ba?
Napapagod na akong lumuha
Napagod na akong magmahal
Pero kahit anong piga sa aking mata
Mahal at mahal pa rin kita

Payakap namang muli kahit ng saglit
At magpaalam ka
Nang malaman kong
di ko na kailangang maghintay
Sapagkat di ka na magbabalik

Payakap naman ng saglit
Paalam sa aking iniibig

Payakap naman kahit saglit
Sapagkat hindi kana magbabalik

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s