Bakit Mahal Pa Kita

image

Ilang taon na simula ng mawala ka

Teka hindi pala

Ilang taon na simula nang sinabi mong ayaw mo na

Ilan na nga ba?

Tatlo, hindi, mag-aapat na

Apat na taon na simula ng sinabi mong ayaw mo na

At limang taon na simula ng patuloy na iniiyakan kita

Oo

Apat lamang sayo ngunit sa akin ay lima

Pagkat yan ang pakiramdam ng puso kong dinudurog durog araw araw

Sa gabi bago matulog at sa umaga pagmulat ko

Tanging mukha mo ang agad nakikita

Sa utak, sa isip ko

Lecheng paulit ulit

Parang nanadya sa sakit na ipinapaalala ang iyong boses at itsura

Ang mapanlinlang mong mata na sinasabing

“Oo mahal na mahal kita”

Lecheng paulit ulit

Paulit ulit, nakakapagod na

Ngunit bakit mahal pa rin kita?

Mahal pa rin kita sapagkat

Bobo ako

Oo, bobo ako

At pinipili kong manatiling iyo

Hindi ba ang bobo ko?

Naturingang maraming natutunan ngunit bobo pag dating sayo

Mahal pa rin kita sapagkat ikaw ang gusto kong kayakap,

Sapagkat Ikaw ang nabuo kong pangarap

Ikaw sana ang sasabihan ng “yes”

At “I do” kahit walang singsing o video

Basta para sayo

“Oo” lagi ang isasagot ko

Mahal parin kita pagkat

Ikaw yan

Leche!

Kelangan pa ba ng dahilan?

Hindi pa ba sapat na patunay na

Iniiyakan kita

Na sa tuwing pupunta ako sa tindahan

Hahanapin ko ang iyong pabango at aamuyin

Na kunwaring ika’y katabi ko lamang?

Bakit ba mahal pa rin kita?

Sapagkat wala namang iba

Mahal parin kita sapagkat

Ewan ko

Kasi mahal lang talaga kita

Mahal pa rin kita sapagkat …

Wala akong maisip na dahilan

Lecheng pag ibig to.

Dapat ba lahat may kasagutan?

Hindi ba pwedeng mahal kita

kasi mahal kita

At ayokong iwan ka kasi

mahal lang talaga kita?

Mga ilang beses ko pa bang ipapa-ulit ulit?

Leche

Bobo ka na rin yata?

Bakit… kasi siguro nagmamahal ka pa

O may mahal ka ng iba?

Ang sakit isipin

Na ang pagmamahal mo pwedeng iba na nagpapakasasa

Ang hapdi sa damdamin na

Ang ang akin dapat

Ay sa kanya na

Ang sakit sa puso na wala ka na

Leche

Di ba dapat akin ka lang?

Bakit ako lang ang nasasaktan

Sa kataga mong

“Ayoko na, tama na?”

E kasi ang pagmamahal ko sayo

Nakakawalang katuwiran

Nakawalang ulirat

Bakit ba mahal pa rin kita?

Dahil para sa akin

Ang pag ibig ko walang katapusan

Dahil lahat para sa akin ay ikaw lamang

Dahil lahat para sa akin

The best ka, mabuti ka

Masarap kang kasama

Hmmm

Natatawa ako sa mga kasinungalingang kanina ko pa binubuladas.

Bakit mahal pa rin kita?

Alam mo kung bakit?

Bakit mahal pa rin kita?

Dahil ikaw lang naman ang umayaw

Ikaw lang ang bumitaw

Bakit mahal pa rin kita?

Bakit?

Sino bang may sabing ayaw ko na?

Bakit mahal pa rin kita?

Dahil ayoko na

Ayoko pa

Ayoko kahit kailang bitawan ka

Bakit mahal parin kita?

Dahil mahal lang talaga kita

Bakit mahal pa rin kita?

Dahil wala naman akong dahilan para iwanan ka.

Kaya’t bobo ka

Dahil nang-iwan ka

Kahit mahal na mahal na mahal kita.

Bakit mahal pa rin kita?

Dahil mahal…

Na mahal…

Walang dahilang iba.